Friday, August 31, 2012

Wika



WIKA
ni Jay - R5 B. Sibonga

            Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita, simbolo at mga tunog na ginagamit ng mga tao upang makipagkomyunikeyt, makisalamuha at makipag-intindihan. Sa pamamagitan ng wika ay nakabubuo tayo ng interaksyon sa ibang mga tao at mga grupo ng tao. Ang wika ay isang mahalagang biyaya ng Diyos sa tao sapagkat kung walang wika, hindi magkakaroon ng pagkakaunawaan.

Ang wika din ay isang mahalagang aspeto ng isang lipunan at bansa sapagkat sa pamamagitan ng wika at komunikasyon, nagagawa ng tao na makipag-interakt at nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan ng mga namamahala at sa mga mamamayang nasasakupan nito. Ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa tungo sa pagunlad ng isang bansa. Wika din ang ginagamit sa ating pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan sa ibang bansa sa Asya at sa buong mundo.

Masasabing wika din ang nagdadamit sa kahubadan ng kamangmangan. Ito ang naghahatid ng mga aral, dunong at impormasyon sa mga isipang uhaw sa kaalaman. Madaming mabubuting epekto sa mga tao ang wika. Ito ay nagbubuklod ng mga bansa, nagbibigay ng mga bagong kaibigan at naghahatid nga pagkakaisa sa mga mamamayan. Ngunit minsan,, ang wika din ang sumisira ng mga ito. Ito din ay sumisira ng samahan ay nagdudulot ng di-pagkakaunawaan kapag di tama ang paggamit nito.

Napakalaki ng kontribusyon at papel ng wika sa ating buhay. Dapat nating gamitin ang wika sa wastong paraan. Mahalin natin ang ating wika at ipagmalaki ito.


No comments:

Post a Comment